Linggo, Agosto 30, 2015

Droga: Sa Droga, Sira ang Kinabukasan Mo.

       
  Totoong maraming mga taong nauulol dahil sa droga. Sabi nga ng iba, nakakabawas raw ito ng mga pasanin at problema sa buhay ngunit ito ba ay nararapat? Napakalaking kasiraan sa ulo ang dulot ng droga, Ayon sa aking nakikita at naririnig sa mga balita, ang droga ay nakaka-addict nakakabayolente, nagdudulot ng pagkalito, pag-iiba ng personalidad at ugali, pagkawala sa sarili, hindi maayos ang pagtulog o hirap matulog, pagkabawas ng timbang, pagkadinig o pagkakita ng mga bagay na hindi naririnig at higit sa lahat nakakapagdulot ito ng mga komplikasyon sa utak, puso, at iba pang bahagi ng katawan. Ngunit bakit nga ba maraming paring mga tao ang gumagamit nito? Lalong-lalo na ang mga kabataan? Alam ba nila ang epekto nito o sadyang gusto lang talaga nilang sirain ang kanilang buhay?

       Ang pangunahing dahilan ng mga kabataan ngayon ay problema sa pamilya at kawalan ng sapat na edukasyon. Ilan lamang yan sa maraming dahilan ng kabataan kung bakit sila nagamit ng droga. Karamihan sa mga droga  ay nakaka-"high" lalo na ang shabu, ito ang kadalasang ginagamit ng mga tao dahil pinapakawalan nito ang Dopamine sa utak ng tao. Ang Dopamine ay syang umaaksyon sa iba't ibang bahagi ng utak at ng katawan ng tao na siyang dahilan ng "high" o "rush" na tinatawag. Ang epekto nito ay nagtatagal sa katawan ng user mula 6 hanggang 18 oras. Pero Unti-unti ring nabubungi ang mga ngipin, nalalagas ang buhok at nade-deform ang histsura ng mukha.

     Ayon sa binasa ko sa internet, hahanapin ng katawan ang 20 beses na gamit nito upang maranasan ng husto ang epekto. Sa madaling salita: Nakakasira ng buhay ang paggamit ng shaboo. Bukod dito, maaari rin itong magbigay ng sensasyon ng pagpapakamatay o ang nais pumatay ng tao. Sa aking pagkaalam, Tinatawag na "methampetamine toxicity" ang nao-overdose ditto. Ito'y nangyayari sa mga nasobrahan ng gamit ng shaboo, dilat ang mata, mataas ang presyon, hindi regular ang tibok ng puso, pinagpapawisan, nag-iinit at hindi makatulog ang pasyenteng nalason nito.

    Samakatwid, ang Droga ay isang delikadong gamot na dapat iwasan di lamang ng mga Pilipino, lalo na ng mga kabataan na maaaring naaalok  o naimbitang subukan ito. Ito ang huling bahagi ng aking talumpati at sa muli, alalahaning, "Ang droga ay nakakasira ng buhay ng tao."   

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento